#DarelOneForRenel Turns One


Video Transcript Here:

Today is our first wedding anniversary. Ngayon lang din kami actually matatapos sa pag-review ng lahat ng photos and videos namin on that day. Sa totoo lang, parang ayoko nga atang matapos dahil ang sarap balik-balikan nang lahat ng nangyari nung araw na yun. It wasn’t a perfect wedding. Meron ding mga minor things na hindi nasunod or naging problem. Pero sa kabila ng lahat ng yun, it was still the perfect day to get married.

Alam nyo, ang hirap atang hindi maging emotional whenever you have to look back on your wedding day. Simply because, it is one of the best days of your life. Dahil bukod sa ikaw ang pinaka-magandang babae sa araw na yun, at daig mo pa ang isang model sa napaka-raming beses na kailangan mong ngumiti at mag-project sa camera, it is the day that changes your life forever.

Maraming nagtatanong, ano daw bang pakiramdam ng ikasal? Sa totoo lang, hindi mo pwedeng sagutin yun ng isang sagot lang eh. Dahil halo-halo at magkakaiba yung pwede mong maramdaman sa araw na yun. Magkahalong saya, kaba, excitement, konting lungkot, at konting takot. Pero yung nangibabaw siguro para sa akin, eh yung pakiramdam na hindi ata ako makapaniwala. Dahil parang kailan lang, pinagpa-planuhan lang namin lahat ng mangyayari sa araw ng kasal namin. Mula sa damit na isusuot, anong klaseng sapatos, anong bulaklak, anong cake, sinong mga pupunta, at napaka-rami pang detalye. Bukod dun, ang nasa isip ko rin nun, “Ikakasal na ba talaga ‘ko?”

Like what I’ve said before, it was the kind of wedding na hindi ko naman talaga pinangarap. Dahil wala naman talaga akong dream wedding to begin with. Yup! Wala. Siguro it’s just like the irony of being an architect and not having a dream house. Ewan ko ba. Well, the idea of getting married was there, pero I didn’t have any picture of how I want it to happen. Naisip ko nga ngayon, sa effort na binigay ko sa pag-plano ng kasal namin, paano na lang kaya kung meron pa talaga akong dream wedding noh?

Maraming bagay na nangyari nung araw na yun na sana hindi ko makalimutan as the months and years go by. And I would like to always remember it, because it makes me think of God’s goodness and faithfulness. Gaya na lang ng kung papaanong binigyan Niya kami ng napaka-gandang weather that day, pati na rin yung pag-iingat sa mga bisita namin sa byahe nila papunta at pauwi. It was really a blessing to be surrounded by people who knows your story, on your wedding day. Itong mga taong ‘to sa buhay nyo na naging instrument ni God for you to grow in your relationship. Kaya naman sa lahat ng guest namin nung araw na yun, “Thank you for celebrating with us”.

Gaya nga ng sabi ko, it wasn’t a perfect wedding. Because it’s impossible for 2 imperfect individuals to create something that is perfect. Which also means na itong marriage namin ni Darel, it will never be perfect no matter how beautiful it may look like. Alam namin na maraming magiging challenges, at may mga pagkakataon na magiging mahirap mahalin yung isa’t-isa. But we are hopeful. Naniniwala ako na this could still work-out because we have a God who is beautiful and perfect at the same time.

Minsan naiisip ko, “How could God allow 2 imperfect individuals to receive His blessing in this union called marriage?”. Tinatanong ko nga si God, “Lord, anong purpose mo para hayaan mong ikasal kami ni Darel?”. Kasi I’m sure na it is not only because y’know, to make me happy, or to make us happy. I’d choosing to believe that there’s a greater purpose of why God allowed us to become one.

Everything happens for a reason, and everything happens because of God, and for God. So as we celebrate today our first wedding anniversary, 3 things: I am happy, I am thankful, and I’m excited. I’m happy sa panibagong taon na we can entrust to Him again our married life. I’m thankful for the privilege to again, walk by faith. At higit sa lahat, I’m excited for the opportunity to  continuously know Him and make Him known.

Our wedding day was a good day to celebrate God’s goodness and faithfulness. And our married life, we pray to make it an every day declaration of who God is in our lives. The God whom we worship. The God whom we serve. And the God who has a wonderful plan for you, for me, and for everyone. ♥

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s